CENTRAL MINDANAO-Inilunsad na ng Local Government Unit o LGU-Midsayap Cotabato ang Business TaxMapping System.
Ayon kay Municipal Treasurer Mary Rosalyn Panolino, ito ay makakatulong upang malaman ang mga luma at bagong business establishments at linya ng kanilang negosyo na nakarehistro sa Business Permit and Licensing System.
Dagdag pa ni Panolino, sa system na ito ay madaling masusubaybayan ang mga hindi pa nagbabayad ng kanilang buwis.
Sinabi naman ni Municipal Councilor Maria Belen B. Sabio, Committee Chairman on Finance and Ways and Means, ito ay dagdag na inisyatibo ng LGU-Midsayap upang mas mapadali ang pagnenegosyo sa bayan sa kabila ng pandemiya dulot ng COVID-19.
Hangad naman ng opisina ni Licensing Officer III Charcel Batapa, ang contactless at cashless transactions bilang tugon sa Anti-Red Tape Act at Republic Act 11032.
Kasabay nito, agad namang itinurn-over ng TJ-101 Computer Sales Services Team ang isang unit na server at dalawang mobile tablets na gagamitin ng mga business tax mappers sa pagkuha ng mga datos.