-- Advertisements --
BUSTOS DAM BULACAN 1

Nagpakawala ng tubig ang Bustos Dam sa lalawigan ng Bulacan.

Sa gitna ito ng patuloy na pagbuhos ng ulan nang dahil sa pananalasa ng Bagyong Karding sa bansa.

Sa datos ng National Irrigation Administration (NIA), bandang alas-10:30 hanggang alas-11:00 ng gabi kagabi binuksan ang gate ng naturang dam para magpakawala ng sobrang tubig na dala ng mga pag-ulan na dulot ng nasabing bagyo.

Agad namang inabisuhan ng mga kinauukulan ang mga residente ukol dito para makapaghanda ang mga ito sa posibleng pagbaha na idulot ng naturang pagpapakawala ng tubig.

Kung maalala, batay sa pinakahuling ulat ng NIA huling namataan sa 16.80 meters ang reservoir elevation ng Bustos Dam habang ang spilling level naman nito ay nasa 17.35 meters.