-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Matagumpay na narescue ng mga mangingisda ang isang whale shark o butanding sa Sarangani Bay.

Ayon kay Techinical Sergeant Eduard Bionat ng Task Force Gensan(TFG) sa panayam ng Bombo Radyo Gensan, nagreport sa kanila ang mga mangingisda hinggil sa butanding na na-trap sa buoya sa may bahagi ng baybayin ng Pearly Shell, Brgy. Bula sa lungsod ng Heneral Santos.

Nang inalam ang report, bumangad sa kanila ang malaking butanding na ang katawan ay sinlaki ng isang drum at halos anim na metros ang haba.

Nakawala ang butanding matapos pinutol ang mga tali ng buoya.

Dagdag nito, may mga sugat na natamo ang butanding ngunit maliliit lamang.

Matapos marescue ay pinabayaan na lamang na makalayo ang naturang whale shark.