-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ibinida ng Sorsogon Provincial Tourism Office ang naitalang mataas na bilang ng butanding sightings sa unang bahagi ng taong 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Provincial Tourism Office head Bobby Gigantone, magandang indikasyon ang ulat dahil sinasalamin nito ang maayos at malinis na karagatang bahagi ng lalawigan.

Batay sa datos ng World Wildlife Fund, umabot sa 135 ang bilang ng bumisitang butanding sa karagatan ng lalawigan.

Karamihan daw sa mga ito ay bagong bisita lang sa bisinidad ng lugar.

Ani Gigantone, malaking tulong sa turismo ng lalawigan ang balita dahil tiyak na dadami ang turistang bibisita pa sa Sorsogon.

Sa mga nakalipas na taon, naitala ang mababang sightings ng butanding sa lalawigan kaya malaking bagay umano ang naturang progreso ngayon.