-- Advertisements --
250px Ph locator mountain province bontoc

BAGUIO CITY – Nahuli na ng mga awtoridad ang suspek sa brutal na pagpatay sa lalaking pinugutan ng ulo na natagpuan sa kalsada sa Pagturao, Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province noong Martes, April 9, 2019.

Nakilala ang suspek na si Kevin Ongaron Changat, 25, butcher, tubo at residente ng Pattig, Bontoc Ili, Bontoc, Mt. Province.

Nahuli ito sa follow-up operation ng pinagsamang pwersa ng Provincial Mobile Force Company at Bontoc Municipal Police Station sa isang shanty sa Pagturao, Bontoc Ili, Bontoc, Mt. Province.

Nakilala Rin ang biktima na si Wilfred Aquino, 31, butcher, tubong Masoc, Bayombong, Nueva Viscaya kung saan natagpuan itong pugot Ang ulo at nagtamo ng maraming taga sa kanyang dibdib at tiyan.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nag-inoman ang biktima, suspek at isa pang laborer sa isang slaughter house sa nasabing lugar ngunit naiwan ang dalawa.

Gayunman, kinabukasan ay nakita ng isang residente ang bangkay ng biktima at sa pagresponde ng mga pulis ay nakita nila ang pugot na bangkay na may nakaturok na kutsilyo sa kanyang dibdib kung saan sa pagproseso sa crime scene ay natagpuan ang ulo ng biktima.

Nahuli ang dalawang nakainoman ng biktima ngunit si Changat lamang ang nakasuhan dahil sa nakitang dugo sa kanyang kamay at paa.