-- Advertisements --
heat coach erik spoelstra
Filipino American head coach Erick Spoelstra

Nagsama ng puwersa sina Jimmy Butler na may 34 points at si Goran Dragic na nagdagdag ng 25 para itumba ng Miami Heat ang Phoenix Suns, 124-108.

Ang panalo ng Miami ay bilang pagbangon mula sa 20 puntos na kalamangan nang tambakan sila noong Miyerkules ng Denver.

Sa loob ng limang laro, apat na ang napagwagian ng Heat para irehistro ang 6-2 record na una nilang nagawa mula pa noong taong 2012 nang kabahagi pa nila si LeBron James hanggang tuluyan silang magkampen.

Sa half time pa lamang ay nakatipon kaagad ng 30 points si Butler.

Gumana rin sa three point area ang Miami na nagawang ipasok ang pito sa 14 na pagtatangka.

Dahil sa panalo ng Heat, natuldukan nila ang three-game winning streak ng Suns.

Nasayang naman ang nagawa ni Aron Baynes para sa Suns na nagtapos sa 23 points at si Devin Booker na nagpakita ng 22, habang si Ricky Rubio ay umeksena ng 11 points at 11 rebounds.

Ang next game ng Heat ay laban sa Los Angeles Lakers bukas.

Ang Suns naman ay magho-host sa Brooklyn sa Lunes.