Nabigo ang Los Angeles Lakers na agad na tapusin ang serye ng NBA Finals matapos silang masilat muli ng Miami Heat sa Game 5 sa score na 111-98.
Naging dikitan at mainitan ang 4th quarter matapos magpalitan lamang sa isang puntos na kalamangan ang bawat koponan.
Sa huling dalawang minuto ng laban, nakalamang pa ng ilang puntos ang Miami pero mabilis lamang naidikit ng Lakers matapos maipasok ni LeBron James ang dalawang magkasunod na pull-away jumpers at lay-up sa kabila ng mahigpit na depensa ng Miami.
Nagkaroon lamang ng bahagyang bentahe ang Miami nang ma-foul si Jimmy Buttler at maipasok ang dalawang free-throws.
Pinilit pa ni LeBron na maibalik ang abanse ng Lakers sa huling 26 segundo ng laro pero bigong maipasok ang pinuwersang drive na sinundan pa ng turnover kahit nakuha ang offensive rebound dahil sumablay ang drop pass ni Anthony Davis.
Sa last possession ng Miami, nakakuha ng foul si Tyler Herro at tagumpay na naipasok ang dalawang attempts para iangat ang kalamangan nila sa tatlong puntos, 111-98.
Hindi na nagawang bumawi ang Lakers sa huling 1.26 segundo ng laro.
Nakadagdag sa bahagyang paghina ng atake ng Lakers ang ankle injury ni Davis sa first quarter dahil sa masamang bagsak.
Sa pagtatapos ng laro nagtala ng all-around game si Butler, 31, gamit ang triple-double performance na may 35 points, 12 rebounds at 11 assists, kabilang na ang dalawang go-ahead free throws sa final minute sa tinagurian ngayon na instant classic.
Batay sa NBA record ang isa pang player na tanging nagposte rin ng dalawang triple-doubles sa NBA Finals ay si James noong 2015.
Nasayang naman ang matinding vintage performance ni James na kumamada ng 40 big points, 13 rebounds at seven assists.
Si Davis ay nagpakita ng 28 points habang si Kentavious Caldwell-Pope ay nag-ambag ng 16 para sa Lakers.
Pitong players lamang ang ginamit ni Fil Am Heat coach Erik Spoelstra pero bumawi naman sa opensa na kinabibilangan nina Duncan Robinson na may 26 points, Kendrick Nunn na hindi nagpahuli sa 14 points, si Bam Adebayo ay nagpakita ng 13, ang rookie na si Tyler Herro ay nagbuslo ng 12 at si Jae Crowder ay may 11.
Ang ikapitong player na si Andre Iguodala ay hindi naman nakapuntos.
Ang Game 6 ay gagawin sa Lunes, simula alas-7:30 ng umaga.