-- Advertisements --
Bumida si Jimmy Butler sa kanyang triple-double na may 27 points, 10 rebounds at 10 assists upang dalhin ang Miami Heat sa ikaapat na sunod na panalo kontra Houston Rockets, 101-94.
Para kay Butler ito na ang kanyang ika-10 career triple-double at ikaanim sa Heat.
Nalampasan pa niya ang record ni Dwyane Wade sa ilalim ng Miami history.
Samantala nagpakitang gilas naman mula sa bench si Max Strus na tumipon ng 21 points, habang si Bam Adebayo ay nagtapos ng 10 points at 13 rebounds para sa 11-of-14 team record ng Miami.
Sa panig ng Rockets si John Wall ay nagtapos sa 17 points at seven assists, DeMarcus Cousins na may 16 points at 11 rebounds.