-- Advertisements --

Agad na nagpasiklab ang nagbabalik na si Jimmy Butler para pamunuan ang Miami Heat sa pagbaon sa Indiana Pacers, 114-92.

Nagtapos na may 19 points at 11 rebounds si Butler para sa Heat, na lumakas ang tsansa na makuha ang No. 4 seed sa Eastern Conference.

“He was dictating the game,” wika ni Heat coach Erik Spoelstra kay Butler. “The ball was going through him. That’s the definition of a go-to player.”

Umalalay din sina Tyler Herro na umiskor ng 17 habang sina Duncan Robinson and Jae Crowder ay may tig-14 para sa Miami, na tinapos din ang dalawang sunod na pagkatalo.

Nakuha ng Heat ang kontrol sa laro noong third quarter, nang ihulog nila ang 35-17 bomba para basagin ang tabla.

Samantala, matapos magtala ng 34.8 pointer per game sa loob ng bubble, anlimitahan lang sa 12 puntos si T.J. Warren para sa Indiana.

Umiskor ng 14 markers si Victor Oladipo at nagdagdag ng 12 si Malcolm Brogdon upang ialay sa Pacers.