-- Advertisements --

Na-extend pa ng Miami Heat ang ika-lima nilang sunod-sunod na panalo matapos ilampaso ang Houston Rockets, 120-110.

Naging bayani sa pananaig ng Miami si Jimmy Butler na may season-high na 37 points para sa kabuuang 23-13 record.

Lalo namang nabaon sa 10-26 kartada ang Houston.

Ang winning streak ng Heat ay sa kabila na kulang sila ng players dahil sa quarantine.

Bunsod nito kinuha muna nila bilang reinforcements ang veteran na si Mario Chalmers at si Chris Silva para sa 10-day contracts.

Nagpadagdag naman sa puwersa ng Miami ang pagbabalik ng kanilang point guard na si Kyle Lowry na may 12 points matapos na mawala rin ng dalawang games bunsod sa health and safety protocols.

Si Kyle Guy ay nagdagdag naman ng 17 points mula sa bench na kinontrata rin ng Heat para sa 10-day contract.

Samantala nag-ambag rin naman si Tyler Herro ng 16 points.