-- Advertisements --

Buhay pa raw ang pag-asa ng Miami Heat kahit dalawa na ang kanilang talo sa kamay ng powerhouse team na Los Angeles Lakers.

Ayon kay Filipino American head coach Erik Spoelstra, muli silang maghahanap ng mabisang taktika upang maharang ang superstars ng Lakers na sina LeBron James at Anthony Davis.

Giit pa ni Spoelstra, wala siyang pakialam sa pananaw ng ibang tao kaugnay sa kanilang kakayahan na makarekober.

“We have to figure out how to overcome this and get over the top,” ani Spoelstra.

bam adebayo jimmy butler miami heat
Miami’s 1-2 punch: Bam Adebayo and Jimmy Butler

Una rito sa Game 2 kanina, medyo gumana ang zone defense na inihanda ng Miami pero sa kalaunan nakahanap na naman ng paraan sina LeBron at Davis upang basagin ito.

Para naman kay All-Star Jimmy Butler, hindi pa raw sila sumusuko at lalaban pa ng husto habang may tiyansa.

Binigyang diin pa ni Butler, kailangang makahanap sila ng espesyal na diskarte at kaya naman daw itong gawin ng Miam.

“We got to do something special,” positibo pang pahayag ni Butler. “We’re capable of it.”

Sa Lunes gagawin ang Game 3 dakong alas-7:30 ng umaga pero wala pa ring kasiguraduhan kung makakalaro na ang All-Defensive Team player na si Bam Adebayo.