-- Advertisements --

Bibiyahe na patungong Miami Heat si NBA superstar Jimmy Butler matapos ang nangyaring sign-and-trade deal sa pagitan ng Philadelphia 76ers at Dallas Mavericks.

Batay sa ulat, ang max deal ni Butler ay nagkakahalagang $142-million o mahigit P7-bilyon.

Makukuha naman ng Sixers mula sa Heat si Josh Richardson, habang mapapasakamay naman ng Mavericks sina Kelly Olynyk at Derrick Jones Jr.

Ayon sa mga observers, magiging malaking tulong para sa Heat si Jimmy Butler na inaasahang pupunan ang puwang na iniwan ng nagretirong si Dwyane Wade.

Maaalalang lumipat sa 76ers si Butler mula sa Minnesota Timberwolves na isa sa itinuturing na longest-running saga sa NBA noong nakalipas na taon.

Naging mahalaga rin ang papel ng four-time NBA All-Star sa pag-angat ng Philadelphia sa tuktok ng Eastern Conference dahil sa kanyang clutch shots at dagdag na offensive firepower.