-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ng Korean group na BTS sa Billboard Hot 100 chart.

Ito ay matapos na nasa unang puwesto pa rin ang kanta nilang “Butter” sa apat na magkakasunod na linggo.

Nahigitan nila ang sarili nilang kanta na “Dynamite” na nanatili sa unang puwesto sa Billboard Hot 100 sa loob ng tatlong linggo.

Dahil dito ay pinasalamatan ng grupo ang kanilang mga fans sa patuloy na pagtangkilik sa kanilang kanta.

Pumangalawa naman sa listahan ang kanta ni Olivia Rodrigo na “Good 4 U” na sinundan sa pangatlong puwesto ng kantang “Levitating” ni Dua Lipa ft. DaBaby.

Magugunitang inilabas ang kantang “Butter” noong Mayo 21 na siyang pangalawang full English ng BTS.