-- Advertisements --

Patuloy ang pamamamayagpag ng Korean group na BTS.

Nananatili kasi sa number 1 ang kanta ng grupo na “Butter” sa Billboard Hot 100.

Sa kanilang social media account, pinasalamatan ng grupo ang kanilang fans dahil sa nasabing tagumpay.

Ayon sa Billboard na ang awiting “Butter” ay mayroong 15.4 milyon US streams mula Hunyo 10 at 24.6 milyon radio airplays hanggang Hunyo 13.

Ang nasabing kanta ay siyang pangalawang English single ng grupo na inilabas noong Mayo na pumatok din sa Spotify.