-- Advertisements --
fire butuan

BUTUAN CITY – Patuloy pang inaalam ng mga bombero ang kabuuang danyos matapos lamunin ng apoy kaninang madaling araw ang kiln dry ng Chiba Furniture and Export Component sa may Purok 7, Brgy. Ampayon sa lungsod ng Butuan.

Ayon kay Alvin Angco, naka-assign sa broiler department, pasado alas-tres ng madaling araw nang mapansin nila at mga kasamahan na nag-aapoy na ang kiln dry na kanilang sinuportahan ng sticks upang matuyo sana ang mga kahoy.

Bigla umano itong nag-spark at dahil sa sobrang init kung kaya’t mabilis itong nagliyab.

Kaagad namang nakontrol ang sunog matapos respondehan ng anim na mga fire trucks.