-- Advertisements --
image 219

Patuloy pang inimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Butuan ang pinagmulan ng apoy na sanhi ng pagkasunog kaninang alas-2:50 ng madaling araw sa ikalawa at ikatlong palapag ng Butuan City Colleges at sampung iba pang establisamiento sa may Montilla Boulevard.

Iilang mga fire trucks mula sa kalapit na mga bayan at lungsod ang kasamang rumesponde kungsaan may iilang tindahan din ang di na na-abot ng apoy dahil sa firewall.

Ayon kay fire investigator FO3 Ben Sergio Pelletero, isa sa mga nasunugan ay si Eddie Martinez, ang may-ari ng Butuan City Colleges (BCC) building habang kakausapin pa nila ang may-ari ng iba pang mga nasunog na business establishments upang makuha na nila ang kabuu-ang danyos nito.