BUTUAN CITY – Isina-ilalim na sa state of calamity ang Butuan City dahil sa extreme water shortage na dala ng El Niño phenomenon na syang dahilan na wala ng tubig ang water source ng Butuan City Water District, ang Taguibo watershed.
Ayon kay Michiko de Jesus, tagapagsalita ng Butuan City local government, inaprubahan kahapon ang Sangguniang Panlungsod Resolution No.16-244-2024 dahil sa naranasang ‘way below normal” rainfall ng lungsod sa loob ng tatlong buwan na naka-contribute sa naranasan ngayong krisis sa tubig.
Nakasaad sa resolusyon na ang kakulangan ng suplay ng tubig ay naka-apekto sa 15% sa populasyon ng lungsod at 30% naman sa agricultural, business at industrial sectors na nangangailangan ng emergency assistance.
Magbibigay din ito ng kapangyarihan sa local government at sa mga apektadong barangay na ma-access ang 30% ng kanilang Quick Response Fund para sa ipapatupad na mga proyekto, programa at mga aktibidades na inaasahang makakatulong sa pagresolba sa krisis ng tubig.