BUTUAN CITY- Aabot sa 150 na mga Person’s with Deprived Liberty o PDL at 51 na mga Butuan City Jail Personnel ang isinailalim ngayon sa random drug test sa sinasabing tanggapan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Jail Sr. Inspector Deovin Ausa warden, sinabi nito na ginawa nila ang pag drug test bilang pagsubaybay sa lamang sa mga tauhan gayundin sa mga preso upang maiwasan ang pagpasok ng iligal na droga.
Sa pagkuha nitong balita, marami na ang negatibo sa drug test.
Gayunpaman, kung mayroong magpositibo sa alinmang mga tauhan ng BJMP,isasailalim kaagad ito sa isang confirmatory test at kung muli silang magpopositibo, maaari silang sampahan ng administrative case gayunman alisin sa serbisyo na walay makukuhang benepisyo.
Habang kung ang isang PDL ay magpopositibo rin sa drug test, isasailalim ito sa isolation gayunman sa rehabilitation program na tinatawag na “ Therapeautic Community Modality Program”.