-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakuha ng mga atleta nitong lungsod ng Butuan ang kampyunato sa Sepak Takraw sa Philippine National Games 2023 para sa Regu category sa kanila laro kahapon sa Sampaloc, Manila.

Ang koponan ay kinabibilangan ng mga players na sina Joert Jumawan, Ely Jan Nituda, Miel Jay Manlaran, Rorie Duquesa at ng kanilang coach na si JM Isiderio.

Kaagad namang nagpa-abot ng congratulatory message ang lokal na pamahalaan ng Butuan sa pangunguna ni City Mayor Ronnie Vicente Lagnada sa kanilang tagumpay kasama sa iba pang mga atletang nanalo din sa Batang Pinoy at sa Philippine National Games 2023.