-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakumpleto na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccines ni Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada matapos itong maturukan ng pangalawang dose ng Sinovac vaccine.

Matatandaan na nitong Mayo a-31 nang mabigyan ng unang dose ng bakuna si Mayor Lagnada na kasama sa A1.5 vaccine priority kasama ang mga governors at iba pang local chiefs ng vaccine priority list.

Ayon sa National Government, sila ang nasa frontline na nagpapatupad ng prevention, detection, isolation, treatment, at rehabilitation ng COVID-19 program ng gobyerno.

Kaugnay nito’y nananawagan si Mayor Lagnada sa mga tao na magpapaturok na ng bakuna kung kasama sila sa priority list ng mga babakunahan upang maprotektahan ang sarili laban sa Covid-19.

Dahil sa patuloy na pagtaas sa kaso ng mga nagpositibo ng Covid-19 nitong lungsod, nagbabala si Mayor Lagnada sa lahat na patuloy na sundin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot sa face mask, face shields, palagiang paghuhugas ng kamay at pag-sanitize at pag-obserba ng social distancing.