BUTUAN CITY – Nangunguna pa rin ang lungsod ng Butuan sa may pinakamaraming kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa buong Caraga Region matapos itong tumaas sa 442.
Sa bagong datos na inilabas ng Department of Health o DOH Center for Health Caraga, mula 1995 hanggang Hunyo ng taong ito, meron nang kabuuang 1,718 na kaso ng HIV ang naitala sa rehiyon, kungsaan 94% o nasa kabuoang 1,622 ay mga lalaki at 6% o 96 lamang ang mga babae.
Ayon kay Anton Torralba, Regional Program Officer ng Sustained Health Initiatives of the Philippines o SHIP, mula sa 420 na kaso noong Mayo sa taong ito, nadagdagan ito ng 22 sa loob lamang ng isang buwan.
Iibig sabihin lamang nito ay gumagalaw ang mga kawani ng City Health Department nitong lungsod sa pamamagitan ng pagsasagawa nga HIV Testing at iba pang mga prevention measures upang matugunan ang nasabing sakit.