-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Segurado na si Butuan City Vice Mayor Lawrence Lemuel Fortun na walang magaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election ngayong Disyembre nitong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng dating kongresisita ng Butuan City at ng unang distrito ng Agusan del Norte, na noon pa man bago magtapos ang 18th Congress ay pinag-uusapan na nila ang pagsuspende sa nasabing halalan at sa ngayo’y ganon pa rin ang kanyang nakuhang mga impormasyon mula sa kanyang mga dating kasamahan na nananatili ngayon sa 19th Congress.

Dagdag pa ni Fortun, ang hindi lamang malinaw sa ngayon ay kung kailan ito gaganapin kung sa Disyembre a-5 ba ng susunod na taong 2023 o kaya’y ng 2024.

Ang dahilan umano sa pagpo-postpone ng Barnagay at SK elections at pagtututok ng Marcos adminnistration sa unang isang taon para sa recovery ng ekonomiya kungsaan malaki ang maitutulong ng pondo na gagamitin sana sa naturang halalan.

Una ng inihain ni Leyte 4th district Rep. Richard Gomez ang pagpo-postpone nito sa Dec. 5, 2023.