-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagpapa-condition na ngayon ang Butuanon na kampyon sa 2024 Asian Muay Thai Open Cup Invitational dahil sa malaking tsansa nitong makakasali sa 2025 Southeast Asian Games o SEA games.

Ito’y matapos maka-gold medal sa nasabing men’s u23-60 kg category na isinagawa sa Taipei, Taiwan nitong huling bahagi ng Oktubre ngayong taon si Ejay Galendez kungsaan kanyang tinalo ang taga-Thailand sa championship round.

Ayon kay Galendez, na taga-Barangay Dumalagan nitong lungsod ng Butuan sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, nakapasok siya sa Muay Thai national team nito pang nakalipas na taon matapos manalo sa Batang Pinoy 2023 kung kaya’t laking tuwa niya na kaagad nagkampyon sa unang pagsali niya sa international competition.

Bukas din si Galendez sa offer ng mga malalaking unibersidad sa kamaynilaan na doon mag-aral para na rin sa maganda niyang kinabukasan.