-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi pa rin nagsi-sink in sa Butuanon na si Vanda Charisse Costillas Dejolde na number 6 siya sa top 10 ng Physician licensure examination ngayong taon.

Ito’y dahil nahihirapan siya sa kanilang exam kungsaan p’ara sa kanya at sa kanyang mga kasamahang examinees, kaunti lang sa kanilang na-review ang lumabas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng 26-anyos na doktor na regalo ito ng Panginoon sa kanya ang dahil kanya itong ipinagdasal.

Aminado si Dr. Dejolde na hindi niya childhood dream ang magiging doktor ngunit bigla itong sumagip sa kanyang isipan nang may mabasa siya sa basahin ng kanilang relihiyon kung kaya’t nakapag-aral siya Adventist Univesity of the Philippines sa Silang, Cavite.

Ito rin umano ang dahilan na silang buong pamilya kasama ang kanyang tatlong mga kapatid na lalaki, ay lumipat ng tirahan upang mas mapalapit sila sa pinapasukang unibersidad.