-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Alay ng Butuanong soft tennis player sa init ng suporta sa kanya ng mga kababayang Filipino ang pagkamit niya ng medalyang ginto sa 30th South East Asian (SEA) Games.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Joseph Arcilla, team captain ng Philippine Soft Tennis Men’s Team, na malaking bentahe sa kanila na sa bansa idinaos ang SEA Games dahil personal na nasaksihan ng mga kababayang Pinoy ang pagsabak ng ating mga players sa kani-kanilang sports.

Dito umano niya naramdamang may kasama siya sa paglalaro sa court.

Dagdag pa ng atletang ipinanganak sa Langihan nitong lungsodn, nakaramdam siya ng pressure nang dumating sa kanya ang panahong kailangan na nilang umabante sa next round ng soft tennis men’s team hanggang sa tuluyan na silang nakapasok doubles finals at tinalo ang Thailand 2-1 sanhi .

Kaugnay nito’y, nagpapasalamat si Arcilla sa lahat ng mga nanalangin at naniniwala sa kanya sabay panawagan sa lahat na ipagpatuloy lang ang kanilang mga pangarap.

Unang nakilala si Arcilla sa larong lawn tennis nang maging world No. 3 ito sa naturang event.

Nakatakda siyang umuwi sa Butuan City sa darating na Pasko.