BUTUAN CITY – Bibigyan ng monetary reward ng lokal na pamahalaan nitong lungsod ng Butuan si Butuanon taekwondo jin Dave Cea matapos magkamit ng silver medal sa 74-kilogram men’s kyorugi na nadahdag sa nakuhang medalya ng Team Philippines sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games na isinagawa sa Tay Ho Gymnasium sa Vietnam.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni re-elected Butuan City Councilor Cromwell Nortega, chairman ng Committee on Youth and Sports ng Sangguniang Panlungsod, na kahit sa qualification wound pa lang ng SEA Games ay nabigyan na nila ng konting financial assistance si Cea upang kanyang magamit sa lanyang mga pangangailangan para sa biennial meet.
Dgdag pa ni Nortega, matagal na nilang sinusundan ang mga laro ni Cea matapos itong maging representante nitong lungsod sa iba’t-ubang sporting events, at inaasahan na nilang makaka-gold ito sabay linaw na malaking karangalan pa rin ang dala nito para sa buong bansa.
Si Dave Cea na naglaro sa 74-kilogram men’s kyorugi, ay nagtapos na runner-up kanod ng naka-gold na Cambodian na si Mithona Va sa final round sa score na 13-34.
Natalo ni Cea sa semifinal si Indonesian Naufal Khairudin Osanando sa score 24-11 kung kaya’t nakapasok ito sa gold medal match na pangalawang beses na niya sa biennial meet.