-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malaking karangalan para sa lungsod ng Butuan na naging kabilang ang negosyanteng si Ma. Isabela Blancas, may-ari at founder ng One Closet, na nasali siya sa walong young entrepreneurs sa Circle of Excellence honorees sa Asia CEO (Chief Executive Officer) Awards 2024.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Blancas na ang Asia CEO Awards ay syang pinakamalaki at longest-running business award program ng Pilipinas na 15 taon nang isinagawa.

Ang mga kasali sa Circle of Excellence honorees ay mga finalists na pinagpipilian para sa inaasam na pwesto na nakuha ng taga-Samar.

Ipinagmamalaki ni Blancas na kasama sa nagustuhan ng mga judges sa One Closet sa isinagawang screening process ay ang kanilang mga highlights, kontribusyon at social impact ng kanilang produkto sa business sector.

Pinuri ng mga judges ang kanilang business model na nag-i-inspire ng sharing, recycling ng mga gamit para makatulong sa pagpreserba ng kalikasan na nadagdagan pa ng kanilang mga charity works.