-- Advertisements --
Buwan ng Wika theme 2019

LEGAZPI CITY – Tulad sa mga nakalipas na taon, iginiit ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng paggamit ng sariling wika at mga dayalekto sa araw-araw lalo na ngayong Buwan ng Wika.

Ayon kay DepEd-Bicol Director Gilbert Sadsad sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hinihikayat nito ang publiko na huwag kalimutan ang paggamit ng mga dayalekto kagaya ng Tagalog, Bicol, Sorsoganon, Daragueño at iba pa.

Kaugnay nito, magsasagawa ng aktibidad ang mga eskuwelahan sa buong bansa upang ipabatid ang kahalagahan ng sariling lengguwahe.

Aniya, ang wika ang sumasalamin sa mga kultura ng bansa na nararapat lamang na mapreserba.

Pagbabahagi pa ng opisyal na nasa 25 native languages ang ginagamit sa buong Bicol na dapat malaman ng mga kabataan upang maipasa sa mga susunod pang henerasyon.