Posibleng gawing lump sum na lamang ang pamamahagi ng buwanang P200 ayuda para sa mahihirap na mga pamilya ayon sa Department of budget and Management (DBM).
Paliwanag ni Acting Budget Secretary Tina Canda na ang Department of Social Welfare and Development ang nakatoka sa oamamahagi ng pondo subalit hindi pa tiyak kung ito ay ipapamahagi ito kada quarter o lump sum.
Aniya matrabaho kung kada buwan naglalabas ang DSWD ng P200 kung kayat maaaring gawin na lamang itong minsanan na ipapamahagi.
Sa ngayon wala pang timeline ang DBM kung kailan maipapamahagi ang naturang ayuda subalit umaasa sila na maibibigay na ito sa lalong madaling panahon dahil marami na aniya ang nagrereklamo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sa pamamahagi aniya ng P200 kada buwan na subsidiya sa mahihirap na pamilya, gagastos ang pamahalaan ng nasa P33,1 billion.
Nauna na ngang ipinanukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang P200 monthly subsidy para sa 12 million mahihirap na pamilya kada taon bunsod pa rin ng nagpapatuloy na impact ng sunud-sunod na linggo ng oil price hike.
Inaprubahan naman ng Pangulong Duterte ang naturang panukala subalit basa DBM na aniya ang paglalabas ng guidelines para sa pamamahagi ng ayuda.