-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isang buwaya ang nahuli ng mga mangingisda sa Pulangi River sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Epi Lamping, isa sa mga nakahuli sa buwaya na pumasok ito sa boo o malaking bitag na nilagay nila bilang panghuli ng mga isda sa Pulangi River sa bahagi ng Barangay Arakan, Carmen, Cotabato.

Nagtaka si Lamping na habang inaahon ang boo ay napakabigat at humingi pa siya ng tulong sa kapwa mangingisda.

Laking gulat ni Epi dahil buwaya pala ang laman ng boo at nanghihina na ang katawan nito.

Pagkalipas ng mahigit tatlong oras, namatay ang naturang buwaya.

Ang boo ay gawa sa kawayan, na karaniwan na inilulubog sa dagat o ilog.

Sa ngayon ay pinag-iingat ng LGU-Carmen ang mga mangingisda sa Pulangi river na matagal nang napaulat na may maraming mga buwaya.