-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng National Food Authority na itinaas na nila ang buying price ng wet Palay sa ilang rehiyon sa bansa.

Dahil dito ay hinikayat na ng ahensya ang mga magsasaka partikular ang mga magsasaka mula sa Ilocos, Cagayan Valley, at Central Luzon na ipagbili ang kanilang mga aning palay ng direkta sa kanilang ahensya.

Ayon sa NFA, aabot na ngayon sa P19 kada kilo ang mga bagong ani na palay sa mga nabanggit na rehiyon sa Pilipinas.

Ito ay mula sa dating P18 kada kilo na maituturing na pinakamababang bentahan ng bagong ani at wet palay.

Target ng NFA na makabili ngayong taon ng 545,000 metriko tonelada ng palay upang mapanatili ang 9-day supply.

Habang aabot naman sa 880,000 metriko tonelada ang target na mabili upang maabot ang 15-araw na pangangailangang konsumo ng buong bansa.

Alinsunod na rin ito sa inamyendahang Rice Tariffication Law.