-- Advertisements --

Sa kabila ng pagiging pinakamatandang player sa National Basketball Association (NBA), muling isinalba ni Lebron James ang kaniyang koponan mula sa panibago sanang pagkatalo.

Sa pagharap ng Los Angeles Lakers at Indiana Pacers ngayong araw, March 27, nagawa ng Lakers na tapusin ang kanilang three-game lossing streak at tuluyang pinatumba ang Pacers sa pamamagitan ng 2-point buzzer beater ni Lebron.

Una kasing hinabol ng Pacers ang 13 points na deficit sa huling quarter at 42 sec. bago matapos ang laban ay hawak na nito ang 1-point lead, 119 – 118.

Bago matapos ang huling segundo, tinangka ni Lakers guard Luka Doncic na magpasok ng isang floater ngunit tumama lamang ito sa rim.

Hindi naman ito pinalagpas ni Lebron at hinabol ang bola pabalik sa basket. Tuluyan ding tumunog ang buzzer, kasabay ng pagpasok ng bola sa ring at ibinulsa ng Lakers ang 1-point win, 120 – 119.

Ito na ang ikatlong laro ni Lebron mula noong bumalik siya sa hardcourt kasunod ng tinamong minor injury.

Bagaman mitulang isinalba ni Lebron ang naturang laban, nalimitahan lamang siya sa 13 points at 13 rebounds sa loob ng 38 mins na kaniyang paglalaro habang 34 points at pitong rebounds ang ginawa ng batikang guard na si Luka.

Kapwa pang-4 na pwesto ang Lakers at Pacers sa western at eastern conference