Iloilo City – Temporaryong itinigil ang byahe ng fast craft vessels na Ocean Jet at Weesam Express na may rutang Iloilo City – Bacolod City and vice versa dahil walang pasaherong sumasakay kasunod ng mahigpit na ipinapatupad na restrictions sa dalawang lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Philippine Coast Guard (PCG) -Iloilo Station Commander Edison Diaz, sinabi nito na kahapon, Enero 10, nag-signify ang dalawang kompaniya na temporaryong itigil ang operasyon ng fast craft vessels.
Ito ang kasunod din ng ipinalabas na executive order ng Bacolod City Government kung saan kailangang mag-secure ng negative RT-PCR test ang byahero na nagmula sa Iloilo City.
Nagpalabas din si Iloilo City Mayor Jerry TreƱas ng executive order na nagre-require ng negative RT-PCR test result sa byahero na nagmula sa Bacolod at patungo sa Iloilo City.
Ayon kay Diaz, ni hindi umabot sa 10 tao ang nagsidatingan sa fast craft terminal kasunod ng nasabing anunsyo.