-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi na papayagan ang byahe ng mga sasakyang pandagat via Iloilo City-Bacolod City and vice versa simula ngayong araw.

Ito ay kasunod ng pagsailalim sa Iloilo City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na layunin ng nasabing hakbang ay upang hindi na madagdagan pa ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Iloilo kung saan 80 na ang namatay.

Sa ngayon, nakahanda rin siya ayon sa alkalde na pag-usapan kasama ang Local Government Unit patungkol sa pagbabalik ng byahe ng mga fast crafts, at barko kung saan magtatagal lang ang moratorium hanggang Mayo 31.