-- Advertisements --

Na-tow o nahatak na ang C295 aircraft ng Philippine Airforce na nag-emergency landing sa Basco Airport sa Batanes noong November 1.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Gen. Romeo Brawner Jr., repairable ang naturang Airbus at maaari nang magpatuloy ang operasyon ng Basco airport.

Kasunod nito, magtutuloy-tuloy na rin daw ang pagpapadala ng relief goods sa Batanes para sa mga nabiktima ng nagdaang bagyong Kristine at Leon.

Pinaghahandaan na rin nila ngayon ang pagdating ng bagyong Marce at nakapagpreposition na sila ng relief goods at family food packs.

Samantala, maliban sa C295, tiniyak naman ng AFP chief na sapat ang air assets nila at mayroon pa silang mga C-130 at iba pang C-295 para maghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Pagdating naman sa mga humanitarian assistance at disaster response operations sa malalaking kalamidad gaya ng bagyong Kristine, nagpapasalamat umano ang AFP sa tulong mula sa ASEAN partners nito gaya ng Singapore, Indonesia, Malaysia at Brunei.Jr.