Ibinasura ng Court of Appeals ang apila ni dating senator Leila de Lima sa pagkuwestyon nito sa hindi pagsama sa drug case na kaniyang hinaharap si dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos at iba pang mga convicts.
Sa resolution na inilabas ng CA, nanindigan sila sa kanilang consolidated decision noong Oktubre 28, 2021 na walang rason para baguhin ang desisyon anuman ang ilalabas na argumento.
Dagdag pa nito na ang prosecution ay mayroong karapatan para makakuha ng pagbabago sa information bago ang arraignment at ang hindi pagsali kay Ragos.
Magugunitang si Ragos ay isa sa kasamang kinasuhan ng dating senador sa drug case subalit siya ay inalis sa kaso matapos na maglabas siya ng dagdag na sinumpaang salaysay na nagdedetalye sa pera na kaniyang ibinibigay kay De Lima.
Noong Mayo ay iniatras ni Ragos na bilang pangunahing witness ni De Lima ay inatras nito ang kaniyang alegasyon kasama rin na umatras sa kanilang alegasyon si confessed drug lord Kerwin Espinosa at dating aide ni De Lima na si Ronnie Dayan.