-- Advertisements --

Ibinasura ng Court of Appeals ang mosyon o apela ng isang dating pulis na kasama sa mga akusado sa insidente ng pagpatay sa dalawang lalake kung saa’y isa rito ay menor de edad pa.

Kung saan mas kitigan pa at ipinagtibay ng naturang hukom partikular sa 2nd Division ng Apellate Court ang nagging resolusyon ng Regional Trial Court kontra kay PO1 Jeffrey Perez, ng Caloocan City Police.

Ang naturang kaso ay may koneksyon o hinggil sa pagpaslang at pagkawala nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman alyas Kulot, 19-taon gulang at 14-years old na naninirahan sa Cainta, Rizal noong 2017.

Sa desisiyon ng Court of Appeals 2nd Division, hinatulan ang naturang pulis ng parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang 4 na taon at 2 buwan bunsod ng pangto-torture sa isa mga biktima.

Pinagbabayad rin ito ng higit 50-libong piso halagang kabayaran sa moral at exemplary damages.

Patikular sa nagging hatol sa akusado, ‘Reclusion Perpetua’ naman ang parusa sa nagging pananakit at pagpatay sa isa pang biktima.

Kasabay din nito ang pagbabayad para sa moral at exemplary damages nito sa halagang 75-libong piso kada damages.

Patung-patong pa na hatol ang ipinagtibay na magkakaparehong ‘reclusion perpetua’ sa pagtatanim ng marijuana, shabu at ebidensyang baril.

Maging ang diskuwalipikasyon sa pag-upo, paghawak at pagkakaroon ng anumang posisyon sa gobyerno ay siya ring ipinataw at pinagtibay.