Binasura ng Court of Appeals ang inihaing Petitions ng mga aktibistang sina Jonila Castro at Jhed Tamano para sa issuance ng Writ of Amparo, Writ of Habeas Data, and Protection Order ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at State Agents ng Gobyerno dahil sa umano’y pandudukot sa kanila ng militar.
Ayon kay NTF-ELCAC Strategic Communications Cluster Chair Assistant Director General Jonathan Malaya, propaganda lamang at kasinungalingan ang ibinibintang ng mga naturang aktibista laban sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Security Council (NSC) at NTF-ELCAC.
Batay sa desisyon ng korte, bigo umanong makapagpresenta ng substantial evidence ang mga petitioner.
Kaugnay niyan narito at pakinggan natin ang bahagi ng pahayag ni NTF-ELCAC Strategic Communications Cluster Chair Assistant Director General Jonathan Malaya
Una nang iniulat na noong September 2023 sumuko umano sina Tamano at Castro sa Philippine Army’s 70th Infrantry Battalion ayon sa NTF-ELCAC. Konektado rin daw ang 2 aktibista sa rebeldeng grupo na News People’s Army (NPA).
Pero kalaunan ay ibinulgar ng 2 kabataang environmental activists na dinukot sila ng militar sa Orion Bataan, taliwas sa pahayag ng gobyerno na sumuko at nagpasaklolo ang dalawa mula sa kilusan.
Kanina, sa pulong balitaan sa kampo crame, binigyang diin ni Justice Angelita Miranda, NTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster Chair, napatunayan na na kasinungalingan lang ang inilahad ng dalawang aktibista at may galit lang talaga ito sa militar.
Pakinggan pa natin ang dagdag na pahayag ni NTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster Chair Justice Angelita Miranda