-- Advertisements --

Mahigpit ang utos ng Court of Appeals (CA) na i-freeze sa ilang banks accounts at iba pang assets ng Kapa-Community Ministry International, Inc. (KAPA).

Inisyu ang freeze order ng appellate court noong Hunyo 4 kasunod ng petisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) at the Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sa ilalim ng Section 10 ng Republic Act No. 9160 (Anti-Money Laundering Act of 2001), may kapangyarihan ang CA na mag-isyu ng order sa pamamagitan ng verified ex parte petition ng AMLC at matapos madeterminang mayroong probable cause ang kaso at kapag nagamit nang hindi naaayon sa batas ang pera o ari-arian.

Una rito, ni-revoke ng SEC ang certificate of incorporation ng KAPA.