Ipinagpaliban ng komite ng Commission on Appointments (CA) ang pag-apruba sa ad interim appointment ni Philippine Space Agency (PhilSA) Director General Joel Joseph Marciano Jr.
Kinuwestiyon ng mga mambabatas ang kakayahan at kaalaman ni Marciano sa pamumuno sa Philippine Space Agency.
Sa palagay ni Congressman Lray Villafuerte kulang ang ginagawa niya sa loob ng ahensya.
Sa katunayan, malaki ang silbi ang silbi ng tanggapan lalo na dahil gamit ang satellite imagery kaya daw sana mapredict ang pagbaha at iba pang kalamidad ngunit sila daw sa Camarines Sur ilang beses nang nabaha pero di raw sila natulungan ng PhilSA.
Hinimok naman ang ahensya na mas maging aktibo at iparamdam sa publiko ang kanilang mga ginagawa.
Naitalaga si Marciano bilang kauna-unahang pinuno ng PhilSA noong December 2019.
Dahil ipinagpaliban ang pagkakatalaga sa kanya, at aabutan ito ng session break ng Kongreso, kailangan siyang muling maitalaga sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. saka muling isasalang sa CA pagbalik ng sesyon.