-- Advertisements --

Pinayagan ng Court of Appeals (CA) si Nobel Peace Prize awardee at Rappler CEO Maria Ressa na magtungo sa US.

Sa resolution na inilabas ng CA 8th division, pinayagan ang hiling ni Ressa na makadalo sa programa sa Harvard University sa Boston at pagbisita niya sa mga magulang nito sa Florida mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 2, 2021.

Hiniling din ng CA na maglagak ng P500,000 travel cash bond at isumite nito ang itinerary nito kabilang ang pagbisita sa kaniyang magulang.

Pagnakabalik na ito ay dapat agad itong mag-report sa CA sa loob ng 24 oras.

Magugunitang hinarang ng Office of the Solicitor General ang pagbiyahe ni Ressa dahil sa kinakaharap nitong cyber libel.

Nabigo naman ang Office of the Solicitor General na magpresenta ng rason para sa warrant of reconsideration na inilabas noong Oktubre 18 kaya pinayagan nilang makabiyahe si Ressa sa ibang bansa.