-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa CAA member at kapatid nito ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Tboli, South Cotabatona nagresulta sa pagkamatay ng isa at pagkasugat naman ng isa pa.

Kinilala ni Police Major Samuel Bascon, hepe sang Tboli PNP ang nasawi na si Alvin Salawa Mison, 26 anyos, CAA member ng Maan Patrol Base, 1st CAA Company ng Philippine Army habang sugatan naman ang kapatid nitong si Dimpoy Salawa Mison, 28 anyos na kapwa mga residente ng Purok 2, Barangay Malugong sa nabanggit na bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Major Bascon, habang nagtatanim ng mais sa kanilang bukid ang mga biktima nang dumating ang magkakapatid na armado na sina Efraim Diwan, Ogie Diwan at Mark Diwan na pawang mga residente rin ng nabanggit na lugar at pinagbabaril ang mga ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at kamay ang biktimang si Alvin habang tinamaan naman sa sa kanang paa ang kapatid nitong si DImpoy.
Agad naman na tumakas ang mga suspek matapos gawin ang krimen.

Dinala pa sa ospital sa bayan ng Polomolok ang mga biktima ngunit dead on arrival na si Alvin.

Lumabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na dati nang may alitan ang mga biktima at suspetk dahil sa land conflict.