-- Advertisements --

Nilagdaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang isang kasunduan para sa operasyon at maintenance ng Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) facilities ng Clark International Airport (CRK).

Ayon sa CAAP, sila ang mangangasiwa sa pagpapatakbo at pangangalaga ng mga pasilidad upang matiyak ang ligtas at epektibong daloy ng trapiko sa himpapawid sa paliparan.

Ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air TRaffic MAnagement (CNS/ATM) system ay nagbibigay-daan sa real-time tracking ng mga eroplano tuwing takeoff, landing, at habang nasa ere, na makatutulong sa mas maayos na air traffic control.

Sasagutin naman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), bilang may-ari ng pasilidad, ang gastos para sa mga bahagi at maintenance ng mga kaugnay na kagamitan.

DAgdag ng CAAP, dahil sa Communications, Navigation, and Surveillance/Air TRaffic MAnagement, mas maaasahan ang biyahe ng mga pasahero at mababawasan ang flight delays—mga simpleng pagbabago na may malaking epekto sa oras na mahalaga sa bawat isa. (Report by Bombo Jai)