-- Advertisements --
Binigyang diin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na malaking tulong ang Public-Private Partnership sa modernisasyon ng paliparan sa bansa.
Ayon kay CAAP Deputy Director General for Administration Danjun Lucas, ang pakikipagtulongan sa pribadong sektor ay malaking ambag sa pagtugon sa problema sa kakulanagan ng pondo o di kaya ay pagkaantala sa mga proyekto.
Maliban pa rito, kaakibat rin ng pakikipagtulongan sa mga pribadong sektor partikular na sa ibang bansa ay ang makabagong teknolohiya.
Kaya naman, patuloy ang pakikipag-ugnayan ngayon ng gobyerno sa private sectors para sa pagsasaayos ng pasilidad at sistema ng paliparan.