Gagamit ng ibang investigation method ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbagsak ng chopper na kinalululanan ng car dealer at billionaire businessman na si Liberato “Levy†Laus, 68, founder at chairman ng LausGroup of Companies.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, walang block box ang chopper kaya kailangan nila ng ibang pamamaraan.
May scientific method naman aniya para matukoy ang nangyari sa nasabing unit ng Eurocopter, lalo’t itinuturing itong high-end chopper.
Kukuha rin umano sila ng salaysay mula sa mga residente ng Barangay Anilao, Malolos, Bulacan, para magamit sa pagsisiyasat.
Maaga namang inalis ng CAAP ang isyung overloading dahil tatlo lamang ang sakay nito, na may maximum capacity na pitong pasahero.
Sa ngayon, nakaburol na ang labi ng negosyante, pati na ng driver-bodyguard na si Wilfran Esteban at pilotong si Capt. Ever Coronel.