-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagbagsak ng Cessna plane sa El Nido, Palawan.
Matagumpay na nailigtas ng Philippine Coast Guard ang piloto nito at mekaniko sa karagatan bahagi ng Barangay Tiniguban, Palawan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng problema sa makina ang nasabing Cessna 206 type private plane na pag-aari ng Aerohub.
May dalang kahon na naglalaman ng 25 kilos ng isda ang nasabing eroplano.
Nagmula sa San Vicente Airport sa Palawan ang eroplano at patungo sana sa Sangley Point Airport sa Cavite subalit nagkaroon ito ng problema.