-- Advertisements --

Iniimbestigahan pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagbagsak ng isang helicopter sa sapa ng Sityo Arimung-mong, Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija kaninang alas-5:00 ng hapon, Pebrero 1, 2025. 

Ayon sa ulat ni LtCol George Calauad Jr., Guimba Chief of Police, narekober mula sa crash site ang bangkay ng isang babaeng kinilalang si Julia Flori Monzon Po, 25-anyos, residente sa Parañaque City.

Ayon sa CAAP, nakatanggap ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center ng maraming emergency alert. 

Ipinadala naman si Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board lead investigator na si Col. Rhomel Ronda (ret.) upang matukoy ang sanhi ng pagbagsaka ng isang helicopter.