-- Advertisements --
image 124

Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ipinagpapatuloy nito ang pag-upgrade sa ilang mga paliparan sa pagsisikap na matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng kanilang mga pasahero.

Ayon sa pahayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, ang mga nasabing upgrade ay bahagi ng pagsisikap ng ahensya na tumugma sa demand para sa air traffic sa bansa para matiyak ang kaligtasan, convenience ng mga pasahero, pati na ang mga operator sa mga paliparan.

Kasama sa mga kasalukuyang proyekto ang Laguindingan Airport, partikular na ang pagtatayo ng bagong entry at exit arch, gayundin ang isang guard house na may anim na portable at apat na stilted posts na nakatakdang ilalagay sa land and air side ng airport.

Dagdag dito, sinabi ni Laguindingan Airport manager Job De Jesus, na natapos na ang pagpapatayo ng mga communal toilet at food stalls, paglalagay ng mga bagong LED lights, at pagpapatayo ng accounting office.

Inilipat na rin nito ang pagpasok o entrance access ng paliparan para sa mga papaalis na pasahero sa bagong itinayong north wing ng sa pamamagitan ng Engineering Department at Security and Intelligence Service nito.

Sa kasalukuyan, isinasaayos na ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang iba pang mga proyekto upang mapaganda pa ang kanilang serbisyo para sa mga pasahero ng mga paliparan sa ating bansa.