LEGAZPI CITY – Nakakuha na ng mga initial findings ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang nangyaring “runway excursion” ng Flight DG6112 ng Cebu Pacific sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Martes, Marso 8.
Mula sa lungsod ng Naga ang naturang eroplano na may sakay na 42 pasahero at apat na crew na pawang ligtas naman at walang reported injuries.
Halos dalawang oras na ipinasara ang runway kaya kaylangan na i-tow ang eroplano.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, agad na nag-deploy ng mga accident investigator subalit hindi pa maaaring magpalabas ng detalye sa kasalukuyan.
Kabilang sa mga pinag-aaralan sa imbestigasyon ang kondisyon ng panahon ng mangyari ang runway excursion o pagdivert sa lane ng eroplano, aircraft record at service record ng piloto bago maisapubliko ang kongklusyon.
Nakatakda namang i-review ang flight data recorder ng naturang aircraft.