-- Advertisements --
Muling naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) ngayong araw, June 10.
Ito ay kaugnay ng umanoy na monitor na banta ng bulkang Taal sa probinsya ng Batangas.
Batay sa nilalaman ng notice, epektibo kaninang 8:39 ng umaga at magtatagal hanggang 9:00 AM bukas, June 11, ang babala.
Nakasaad dito na dapat ay iwasan muna ng mga piloto ang pagdaan o pagpapalipad malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posibilidad na biglaang phreatic eruption.
Ito ay maaari umanong maglagay sa mga sasakyang panghimpapawid sa alanganing sitwasyon.